Nasubukan mo na bang madetena sa CIC o iba pang sentrong pang-detensyon sa Hong Kong?

Payag ka bang ibahagi ang iyong mga naging karanasan?

Nais naming makapanayam ang mga taong nadetena sa Castle Peak Bay (CIC), Ma Tau Kok, Tai Tam Gap o iba pang mga bilangguan sa Hong Kong.

Si Propesor Surabhi Chopra ng Faculty of Law, Chinese University of Hong Kong at ang kanyang mga kasamahan ay gumagawa ng pananaliksik tungkol sa mga detensyong pang- imigrasyon – pagkulong sa mga migranteng pinapaalis, deportasyon, o iba pang layuning pang- imigrasyon – sa Hong Kong. Alamin ang mas marami pa tungkol sa aming proyektong pananaliksik dito


Sa pamamagitan ng aming pananaliksik, nais naming

  1. maunawaan kung paano gumagana ang sistema ng detensyong pang- imigrasyon,
  2. alamin kung paano ito nakakaapekto sa mga taong nakakulong, a
  3. magrekomenda ng mga reporma sa sistema para mas maprotektahan ang mga karapatan ng mga migrante.

Tungkol sa mag panayam

  • Pribado: Aming papanatilihing ganap na kumpidensyal ang pagkakakilanlan ng sinumang makakapanayam namin – ang mga pangalan at iba pang detalye na maaaring magpakilala sa iyo ay aalisin sa aming panunulat at pagsusuri.
  • Ligtas: Ang panayam ay tatagal nang humigit-kumulang 2 oras sa isang ligtas at komportableng lokasyon.
  • 津貼: Magbibigay kami ng subsidy sa transportasyon (HK$60).
  • Maaring gawin kapag malayo: Kung wala ka sa Hong Kong, maaari kaming magsagawa ng online na panayam.
  • Pagsasalin-wika: Mga Pilipinong nakakapagsalita ng Tagalog, dahil mayroon kaming mga tagasalin sa Tagalog.

Kasalukuyan kaming naghahanap ng mga makakapanayam

  • Mga taong nakulong sa mga sentrong pang-detensyon at kanilang mga pamilya
  • Anumang lahi, edad at kasarian ay malugod naming tatanggapin.

Alamin ang mas marami pa

Tungkol sa proyekto

Tungkol sa proseso ng pananaliksik

Pagkontak / Pagrehistro

Kung ikaw o kapamilya mo ay nakaranas ng pagkadetena sa imigrasyon, at pumapayag na mapagusapan ang iyong naging karanasan, mangyaring kontakin kami: